Ayon sa ulat kamakalawa ng pahayagang "Saigon Economic Times," isinapubliko kamakailan ng World Bank ang "Ulat hinggil sa Kalagayan ng Pag-unlad ng Kabuhayan ng Biyetnam." Anang ulat, noong katapusan ng nagdaang taon, tumaas sa 110 bilyong dolyares ang national debt ng Biyetnam, ito ay katumbas ng 59.6% ng Gross Domestic Products (GDP).
Tinaya ng Ministri ng Pananalapi ng Biyetnam na hanggang sa taong 2017, aabot sa pinakamataas na pondo ang national debt ng bansa, ito ay katumbas ng 65% ng GDP, at pagkatapos, unti-unting bababa ito. Pero ayon naman sa dalubhasa ng World Bank, posibleng maging mas mataas ang national debt ng Biyetnam, at makokontrol ito sa loob ng 75% ng GDP.
Salin: Vera