Ayon sa ulat na inilabas ng World Bank (WB), ang bahagdan ng paglaki ng GDP ng Biyetnam noong unang hati ng taong ito ay umabot sa 6.28% na pinakamataas nitong limang taong nakalipas. Samantala, mabilis din ang paglaki ng utang ng bansang ito at nagiging banta sa pag-unlad ng kabuhayan at balanse ng piskal.
Hanggang noong katapusan ng taong 2014, ang kabuuang bolyum ng utang ng Biyetnam ay umabot sa halos 110 bilyong Dolyares na katumbas ng 59.6% ng GDP. Ang 79.6% sa kabuuang utang ay nabibilang sa pamahalaang sentral. Ang 19% sa kabuuang utang ay iginagarantiya ng pamahalaang sentral.
Ipinahayag ng WB na ang banta ng utang sa Biyetnam ay may kinalaman, pangunahin na, sa napakalaking bolyum ng national debt.
Noong taong 2014, ang kabuuang bolyum ng national debt ay katumbas ng 31.7% ng GDP. Ikinababahala ng WB ang malaking presyur ng utang sa balense ng piskal ng Biyetnam.