SINGAPORE—Sinabi kahapon si Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina na kaugnay ng isyu ng South China Sea (SCS), sinang-ayunan na ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang mga hakbang para malutas ang isyung ito at pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng karagatan.
Ipinaliwanag niyang kabilang sa nasabing mga hakbang ay ang dual- track approach, ibig sabihin, lulutasin ng mga direktang may-kinalamang bansa ang alitan sa pamamagitan ng mapayapang talastasan, at pagsasanggunian at magkasamang pangangalagaan ng Tsina at ASEAN ang kapayapaan at katatagan ng SCS. Kasabay nito, naitatag din ng Tsina at ASEAN ang mga mekanismo para sa pagtatalakayan hinggil sa isyu ng SCS. Kabilang dito ay ang ng Pulong ng mga Mataas na Opisyal para sa Pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at Magkasanib na Working Group sa Pagsasanggunian sa Code of Conduct (COC).
Ipinagdiinan din ni Wang na kaugnay ng isyu ng SCS, nananangan ang Tsina sa limang sumusunod na paninindigan na kinabibilangan ng pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng karagatan, mapayapang paglutas sa alitan sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, maayos na pangangasiwa at pagkontrol sa alitan sa pamamagitan ng regulasyon at mekanismo, pangangalaga sa kalayaan sa paglalayag at paglipad sa SCS, at pagsasakatuparan ng komong pag-unlad sa pamamagitan ng pagtutulungan.
Salin: Jade