|
||||||||
|
||
Sa Kuala Lumpur, Malaysia—Nagtagpo dito ngayong araw sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at John Forbes Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos.
Ipinahayag ni Wang na sa malapit na hinaharap, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Estados Unidos. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Amerikano na pabutihin ang iba't ibang gawaing preparatoryo, upang maigarantiya ang maalwang pagsulong ng naturang historikal na pagdalaw. Ibayo pang babalakin aniya ng kapuwa panig ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, pasusulungin ang konstruksyon ng bagong relasyong Sino-Amerikano, at magkasamang ipapadala ang positibong signal sa komunidad ng daigdig.
Nagpahayag naman si Kerry ng kahandaan ng panig Amerikano na magsikap, kasama ng panig Tsino, para maigarantiya ang tagumpay ng gaganaping pagdalaw ng pangulong Tsino.
Nagpalitan din ang magkabilang panig ng kuru-kuro sa kalagayan ng South China Sea. Binigyang-diin ni Wang na palagiang nagpupunyagi ang panig Tsino para mapayapang malutas ang alitan sa mga kinauukulang bansa, sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Dapat aniyang igalang ng mga bansa sa labas ng rehiyon ang ginawang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN para rito.
Kaugnay nito, sinabi ni Kerry na pinag-uukulan ng panig Amerikano ng pansin ang kalagayan ng nasabing karagatan, pero hindi ito makikisangkot sa konkretong alitan. Kinakatigan aniya ng panig Amerikano ang paglutas ng Tsina at mga kinauukulang bansa ng alitan sa South China Sea, sa pamamagitan ng mapayapang talastasan.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |