Sa Urumqi, kabisera ng Xinjiang Uygur Autonomous Region, Tsina-Binuksan dito kahapon ang "2015 Xinjiang Development Forum."
Nagpadala ng mensaheng pambati sa porum si Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC). Binigyang-diin niya ang pagpapahalaga ng pamahalaang sentral ng Tsina sa pag-unlad ng Xinjiang at positibong papel nito sa pagpapasulong ng estratehiyang pagbubukas sa labas ng bansa patungong gawing kanluran.
Ang tema ng kasalukuyang porum ay: Pagtatatag ng Silk Road Economic Belt—Pagkakataon at Hamon ng Xinjiang sa Pag-unlad. Dumalo sa pagtitipong ito ang mga isang daang kinatawan mula sa mahigit 30 bansa at organisasyong pandaigdig.
Sa talumpating binigkas ng mga kinatawang dayuhan sa seremonya ng pagbubukas, positibo sila sa pag-unlad at progresong natamo ng Xinjiang. Samantala, nagharap din sila ng mungkahi hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng konstruksyon ng Silk Road Economic Belt at pagpapahigpit ng konektibidad ng mga bansa sa kahabaan ng economic belt.