Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, ipinangako ang ganap na paghawak sa kontaminasyon sa Tianjin

(GMT+08:00) 2015-08-21 15:53:41       CRI

TIANJIN—Ipinangako ng mga opisyal sa kapaligiran ng Tsina na magsasagawa ng komprehensibong hakbangin para kontrolin at hawakan ang nakakalasong kemikal na tumagas dahil sa malalakas na pagsabog sa imbakan noong ika-12 ng buwang ito.

Ipinagdiinan nilang pabibilisin ang pagsasaayos sa tubig na kontaminado ng cyanide sa exclusion zone na itinayo sa pamamagitan ng dike para maiwasan ang polusyon sa tubig sa labas nito.

Batay sa official samples, ang cyanide sa tubig sa loob ng exclusion zone ay mahigit 350 beses na mas mataas sa safe level. Samantala, karamihan sa tubig sa labas ng nasabing sona ay naaayon sa pambansang pamantayang panseguridad.

Kasabay nito, 73 istasyon sa lugar na sumasaklaw sa limang kilometro kuwadrado ang naitayo ng environmental authorities para magdetekta at isaayos ang kontaminasyon sa lupa.

Noong gabi ng ika-12 ng buwang ito, dalawang malakas na pagsabog sa imbakan ng mga delikadong kemikal na kinabibilangan ng humigit-kumulang 700 toneladang sodium cyanide ang yumanig sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina.

Sandaa't labing-apat (114) katao ang namatay, at 69 na iba pa ang nawawala.

Samantala, 648 ang ginagamot pa rin sa ospital at 53 sa mga ito ang nasa malubhang kalagayan.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>