Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kapital, kailangan ng mga kalakal sa Asia upang umunlad

(GMT+08:00) 2015-09-02 17:57:53       CRI

KAPITAL, KAILANGAN NG SMALL AND MEDIUM ENTERPRISES.  Ito ang sinabi nina Shigehiro Shonazaki, financial sector specialist (SME Finance) ng Office of the Regional Economic Integration (kaliwa) at Noritaka Akamatsu, Senior Advisor, Office of the Director General, Sustainable Development & Climate Change Department ng Asian Development Bank sa sang pagpupulong sa ADB General Headquarters sa Mandaluyong City kanina.  (Melo M. Acuna)

ANG small at medium-sized enterprises (SMEs) ay nangangailangan ng dagdag na kapital upang higit na umunlad at makasabay sa pandaigdigang pamilihan. Ang mga ito ang susi sa mas matatag na kaunlaran sa Asia sa pagbawi ng pandaigdigang ekonomiya. Ito ang nilalaman ng isang bagong ulat ng Asian Development Bank.

Ayon kay Noritaka Akamatsu, senior advisor sa Sustainable Development and Climate Change Department, ang milyun-milyong SMEs sa Asia ang pinagmumulan ng mumunting bilang na nakakasabay sa pandaigdigang kompetisyon upang maging bahagi ng global supply chain. Kailangan nila ng kapital, dagdag pa ng dalubhasang si Akamatsu.

Napapaloob ang pagsusuri sa Asia SME Finance Monitor 2014 na nagsuri sa kalagayan ng SMEs sa may 20 bansang kabilang sa umuunlad na Asia na siyang 96% ng lahat ng nakarehistrong kumpanya na mayroong 62% ng pangrehiyong bilang ng mga manggagawa. Nagkataon nga lamang na 42% lamang ang nakakatulong sa economic output.

Sa pagkakaroon ng ASEAN Economic Community sa mga susunod na buwan at trade liberalization, kailangang mabago ang pansin nila mula sa kanilang sariling pamilihan at matuon sa pandaigdigang pamilihan.

Limitado ang access ng mga SME sa pautang ng bangko. Bumaba pa ang ipinahihiram sa small and medium enterprises dulot ng pandaigdigang financial crisis at noong nakalipas na 2014. Umabot lamang sa 18.7% ng buong pautang ng bangko ang nakarating sa small and medium enterprises.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>