Ayon sa estadistika ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Biyetnam, noong unang 7 buwan ng kasalukuyang taon, inaangkat ng Biyetnam ang 18,008 sasakyang de motor mula sa Tsina, at ang mga ito ay nagkakahalaga ng halos 700 milyong dolyares. Ibig sabihin, ginastos tuwing buwan ng Biyetnam ang halos 100 milyong dolyares para bilihin ang mga sasakyang de motor mula sa Tsina.
Ipinahayag kamakailan ni Tran Hai Thanh, Pangalawang Puno ng Departamento ng Pag-aangkat at Pagluluwas ng Biyetnam, na ang paglaki ng bilang ng mga inaaangkat na sasakyang de motor ay dahil sa pabuti nang pabuting produksyon at negosyo, at pag-u-upgrade ng sistemang pangtransportasyon, at paglaki ng pangangailangan ng mga mamamayang Biyetnames.
Salin: Li Feng