Pagpasok ng kasalukuyang taon, bumaba nang malaki ang pagluluwas ng produktong akwatiko ng Biyetnam sa mga pamilihang gaya ng Amerika, Unyong Europeo, at Hapon, pero lumaki ang pagluluwas nito sa Tsina.
Ayon sa ulat, noong 2014, umabot sa 1.368 bilyon ang populasyon ng Tsina, at 35.58 kilogram bawat taon ang karaniwang konsumo ng produktong akwatiko ng bawat mamamayang Tsino. Napakalaki ng nakatagong lakas ng pamilihan ng produktong akwatiko ng Tsina, at optimistiko ang karamihan ng mga bahay-kalakal ng produktong akwatiko ng Biyetnam sa prospek ng pamilihang Tsino.
Salin: Vera