Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay Nguyen Xuan Phuc, dumadalaw na Pangalawang Punong Ministro ng Vietnam, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na kasalukuyang nananatiling mainam ang relasyon ng Tsina at Vietnam at madalas din ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mataas na antas. Aniya, nabuo na ang estratehiya ng dalawang panig sa sabay-sabay na pagpapasulong ng pagtutulungan sa larangan ng karagatan, lupa, at pinansya. Ipinahayag ni Li ang pag-asang ipagpapatuloy ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang panig at pasusulungin pa nito ang pagtutulungan sa hinaharap, batay sa pagpapahigpit ng estratehikong pagpapalitan, pagpapalalim ng pagtitiwalaang pampulitika, at pagpapalakas ng pagpapalitan sa mataas na antas.
Ipinahayag naman ni Nguyen Xuan Phuc na ang pagsasakatuparan ng matatag at malusog na pakikipagtulungan sa Tsina ay nagsisilbing priyoridad sa patakarang panlabas ng Vietnam. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para magkasamang pangalagaan ang katatagan sa karagatan at unti-unting palawakin ang kooperasyong pandagat, upang pasulungin ang estratehikong partnership ng dalawang panig sa ibat-ibang larangan.
Nakatakdang dumalo si Nguyen Xuan Phuc sa mga aktibidad ng Ika-12 China-ASEAN EXPO, na idaraos sa Nanning ng Guangxi Zhuang Autonomous Region, Tsina, mula ika-18 hanggang ika-21 ng Setyembre.