Dumalo kahapon si Li Yuanchao, Pangalawang Pangulo ng Tsina, bilang Sugo ni Pangulong Xi Jinping, sa seremonya ng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republikang Bayan ng Singapore. Nakipag-usap din si Li sa mga lider ng Singapore na kinabibilangan ni Punong Ministrong Lee Hsien Loong.
Sa mensaheng pambati mula kay Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ibinigay ni Pangalawang Pangulong Li sa mga lider ng Singapore, sinabi nitong nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore para ibayo pang patibayain ang pagkakaibigan ng dalawang bansa at pasulungin ang kanilang bilateral na relasyon sa isang bagong antas.
Sa pakikipag-usap naman kay Punong Ministrong Lee Hsien Loong, ipinahayag ni Li na positibo ang Tsina sa panunungkulan ng Singapore bilang tagapagkoordinang bansa sa pagitan ng Tsina at ASEAN. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore at mga bansang ASEAN para maisakatuparan ang malusog na pag-unlad ng kanilang estratehikong partnership.
Ipinahayag naman ni Punong Ministrong Lee Hsien Loong ang pagsalubong sa mga bisitang Tsino. Nakahanda aniya ang Singapore na magsikap, kasama ng Tsina para pasulungin ang umiiral na mapagkaibigang relasyon ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, gaganap ang Singapore ng positibong papel para ibayo pang pasulungin ang pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN.