Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Hong Tianyun, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa Pagbibigay-tulong sa mga Mahihirap, na may pag-asang maisakatuparan ang target na muling pagbabawas ng 10 milyon sa bilang ng mga mahirap na Tsino sa taong 2015. Aniya, sa hinaharap, isasagawa ng Tsina ang maraming hakbangin para malutas ang problema ng kahirapan sa bansa.
Ayon sa opisyal na estadistika, noong 2013, nabawasan ng 16.5 milyon ang mahirap na populasyon ng bansa. Noong 2014 naman, umabot sa mahigit 12.3 milyon ang nasabing bilang.
Isiniwalat din ni Guo Weimin, Pangalawang Direktor at Tagapagsalita ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, na gagawing pangunahing nilalaman ng "Ika-13 Panlimahang-taong Plano" ang pagbabawas ng karalitaan.
Salin: Li Feng