Ayon sa website ng Kagawaran ng Agrikultura ng Pilipinas, ipininid sa Iloilo noong isang linggo ang Pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) tungkol sa Seguridad ng Pagkain sa 2015. Binigyang-diin sa pulong na dapat pahalagahan ng iba't-ibang ekonomya ang seguridad ng pagkain at blue economy, at pinagtibay sa pulong ang "Plano ng Aksyon ng Iloilo."
Iniharap sa nasabing plano, na sa pamamagitan ng pagsisikap sa tatlong aspektong kinabibilangan ng pagpapasulong ng blue economy sa sustenableng suplay at seguridad ng pagkain, pagbabawas ng kapinsalaan sa pangingisda at pagdaragdag ng output ng pangingisda, at pagpapasulong ng komprehensibong paggagalugad ng agrikultura sa seguridad at paglaki ng pagkain, pasusulungin ang pag-aangkop ng agrikultura sa pagbabago ng klima at paglaki ng agrikultura.
Salin: Li Feng