Ayon sa ulat ng "Inquirer," ang Pilipinas ay bansang tagapangulo ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa kasalukuyang taon, at idaraos sa Iloilo ang 2015 APEC Summit.
Ipinahayag kamakailan ni Doris Magsaysay Ho, Tagapangulo ng 2015 APEC Business Advisory Council, ang pagkatig sa "mungkahi sa aksyon ng Iloilo." Tinukoy niyang ang naturang mungkahi ay naglalayong iugnay ang internet economy at e-business sa maliliit na bahay-kalakal sa loob ng rehiyong ito, at pabilisin ang hakbang ng pagpasok ng naturang mga bahay-kalakal sa pamilihang pandaigdig at global supply chain. Ito aniya ang isa sa mga pangunahing gawain ng APEC Summit sa taong ito.
Salin: Vera