Ayon sa ulat mula sa GMA News Online ng Pilipinas, ipinahayag kamakailan ng Kalihim ng Impormasyon ng Malacanang, na umaasa ang panig Pilipino na makakalahok ang lider na Tsino sa gaganaping APEC Summit. Aniya, 21 lider mula sa mga bansang kinabibilangan ng Tsina, ay lalahok sa nasabing summit na idaraos mula ika-18 hanggang ika-19 ng darating na Nobyembre.
Ayon naman sa ulat ng Philippine Daily Inquirer, noong nagdaang buwan, ipinahayag ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, ang pag-asang huwag maaapektuhan ng hidwaan ng dalawang bansa sa isyu ng South China Sea ang paglahok ng panig Tsino sa nasabing summit. Aniya pa, ang Tsina ay ikalawang pinakamalaking economy sa daigdig, at napapatingkad ng Tsina ang mahalagang papel sa kabuhayang panrehiyon. Kaya, bibigyan ng paglahok ng Tsina ng maraming benepisyo ang APEC Summit, dagdag niya.
Salin: Li Feng