Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Asian Political Parties' Special Conference on the Silk Road, ipininid

(GMT+08:00) 2015-10-17 16:01:03       CRI
BEIJING – Ipininid kahapon ang Asian Political Parties' Special Conference on the Silk Road na magkasamang itinaguyod ng International Department ng Central Committee ng Communist Party of China (CPC) at International Conference on Asian Political Parties (ICAPP).

Nanguna sa seremonya ng pagtatapos sina Wang Jiarui, Pangalawang Tagapangulo ng National Committee ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) at Ministro ng International Department ng Central Committee ng CPC, Mushahid Hussain Sayed, Special Rapporteur ng ICAPP at Li Yuanchao, miyembro ng Political Bureau ng Central Committee ng CPC at Bise Presidente ng Tsina.

"Global representation," "political ownership" ng OBOR at Beijing Initiative: 3 bunga ng kumperensiya
Sa press conference na idinaos matapos ang seremonya ng pagtatapos, sinabi ni Mushahid Hussain Sayed sa lokal at dayuhang media na makabuluhan ang kumperensiya dahil sa tatlong dahilan: Una, ang kumperensiya ay may malawak na saklaw at kumakatawan hindi lamang sa Asya kundi ito ay dinaluhan din ng mga kinatawan mula sa Aprika, Latin America at Europa. Ito ay may "global representation." Ikalawa, ang One Belt One Road (OBOR) Initiative ng Tsina ay kinatigan at ngayon ay may maituturing na "political ownership" ng mga partido mula sa nasabing mga kontinente. Ikatlo, inilabas sa kumperensiya ang Beijing Initiative, konkretong bunga ng kumperensiya na nagkakaisang kinatigan ng mga delegado ng higit 60 partido pulitikal mula sa 30 bansang kumakatawan sa apat na kontinente ng daigdig.

Sina Mushahid Hussain Sayed, Special Rapporteur ng ICAPP at Guo Yuzhou, kinatawan ng CPC sa press conference

Pinagsamang "hard power" at "soft power"
Dagdag pa ni Sayed, ang kumperensiya ay natatangi dahil pinagsama nito ang "hard power" na galing sa mga talakayang pulitikal at "soft power" mula sa partisipasyon ng media at sektor ng kalakalan at negosyo.

Mga Balakid ng OBOR
Nang tanungin ng mamamahayag mula sa Tonga kung ano ang mga balakid at banta na makapipigil sa tagumpay ng OBOR, sinabi ni Sayed na ang ideya ng OBOR ay napapanahon at malinaw ang mithiin. Sa Asya nagaganap ang malaking pag-unlad. Ngayong taon, di maitatanggi ang balanse ng kapangyarihang pulitikal at ekonomiko ay lumilipat sa Asya. At sa tagpong ito nabuo ang OBOR at isinusulong nito ang mapayapa at maharmonyang kooperasyon ng mga bansa. Ani pa ni Sayed, dalawang taon mula nang imungkahi ni Pangulong Xi Jinping ang OBOR nagkaroon na ng tatlong malalaking pag-sulong ang inisyatibong ito. Una, naitatag ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB); ikalawa, ang Silk Road Fund; at ikatlo, ang pagdaraos ng kumperensiyang ito kung saan naging bunga ang malawakang "political consensus." Ayon sa Senador mula sa Pakistan ang di-pagkakaisa ang pinakamatinding balakid, ngunit batay sa kinalabasan ng kumperensya walang anumang dapat ikabahala sa tagumpay ng OBOR.

Mamamahayag mula sa Tonga sa preskon

AIIB, hindi makakaapekto sa takbo ng kabuhayan ng Tsina: opisyal Tsino
Itinanong naman ng reporter mula sa Hungary kung maaapektuhan ba ang AIIB ng pagbagal ng takbo ng ekonomiya ng Tsina. Sagot ni Guo Yuzhou, kinatawan ng CPC sa press conference, na hindi apektado ng takbo ng ekonomiya ng Tsina ang operasyon ng AIIB. Aniya, laging binibigyang-diin ng Tsina ang magkatuwang na pagtatatag ng OBOR kasama ang mga kasaping bansa at magkasamang pagkamit ng bunga nito. At ang slowdown ng kabuhayang Tsino ay bahagi ng mga pagbabagong ipinatutupad ng Tsina sa sistemang pang-ekonomiko nito para mapasulong ang kalidad ng pag-unlad ng bansa.

Paglalagom mula sa media at sektor ng negosyo
Nagbigay din ng paglalagom ang kinatawan ng media at sektor ng negosyo at kalakalan. Sinabi ni Rahmad Nasution ng Antara News Network ng Indonesia na mainam kung aktibong makikilahok ang media sa Development Journalism. Sa kanyang pahayag sa mga media, sinabi naman ni Shama Obaed Islam, National Executive Committee Member ng Bangladesh National Party, na nagbabago ang mundo, at ang Belt and Road (OBOR) ang daan sa pag-unlad. Idinagdag pa niyang ang (bagong) Silk Road ay magbibigay ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa isang rehiyon pero para sa buong mundo. Ipinahayag din ni Islam ang pag-asang magbubunga ang (bagong) Silk Road ng pagkakaisa, kapayapaan, kasaganaan, pagkakaibigan, kaligayahan at kapurihan sa lahat.

Ulat: Mac/Andrea

Larawan: Mac/Andrea

Edit: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>