NANAWAGAN ang Volunteers Against Crime and Corruption, isang samahan ng mga naging biktima ng krimen at ng mga nakapiit sa New Bilibid Prison na ibigay sa militar ang pangangasiwa sa pambansang piitan.
Kinondena ni Dante L. A. Jimenez ang pinakahuling insidente nnoong Huwebes sa pagkasawi ng isang nahatulang mabilanggo sa pagpaslang sa dating Congressman Moises Espinosa noong ika-17 ng Marso 1989 sa Masbate Airport. (Kinilala ang biktima sa pangalang Charlie Quidato.)
Nabaril at napatay siya ng kapwa bilanggo at kasapi ng Commando Gang na nagngangalang Ronald Catapang na nahatulan ng habang-buhay ng pagkakabilanggo sanhi ng drug trafficking.
Nagtataka si Jimenez kung bakit napaniwala ni Secretary Leila de Lima ang mga mamamayan na nalinis na niya ang lahat ng sandata ang pampasabog, mga patalim at illegal drugs sa loob ng piitan sa serye ng mga pagsalakay na ginawa noong kapanahunan niya.
May nasamsam pang 14 na iba't bang sandata sa paglilinis kamakailan. Kailangan na umanong magbitiw si Pangulong Aquino dahil sa kanyang pagkukulang sa paglilinis ng pambansang piitan. Kailangang magkaroon ng full military control sa NBP at masamsam ang lahat ng kontrabando sa piitan.