|
||||||||
|
||
SINABI ni Vice President Jejomar C. Binay na maraming nararapat gawin ang hahalili kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III. Sa kanyang talumpati sa 41st Philippine Business Conference and Exposition sa Grand Ballroom ng Marriott Hotel sa Pasay City, sinabi ni G. Binay na kahit pa nagkaroon ng kagalang-galang na kaunlaran sa gross domestic product, higit na lumala ang kahirapan sa bansa. Kahit pa nagkaroon ng property boom, lumala ang kakulangan sa pabahay.
Kahit pa kumita angilang mga kumpanya, hindi naman nagkaroonng mas magandang local business conditions sa pagkakaroon ng investments. Ang magaganda at magagaling na kumpanyang nasa Pilipinas ay naglagak ng kapital sa ibang bansa. Ikinalungkot pa ng pangalawang pangulo na kahit maganda ang growth performance problemado pa rin ang food security sapagkat hindi naganap ang mga ipinangako. Higit na sumidhi ang smuggling ng mga produktong pangsakahan. Bagama't layunin ang pagkakaroon ng sapat na ani ng bigas, nagsimula ang pamahalaan ng pag-angkot na mas malaking kargamento sa paglipas ng panahon. Kabilang na ang Pilipinas sa nangungunang rice importer sa daigdig.
Marami umanong ipinangako ang Aquino administration subalit hindi nagkatotoo ang mga ito.
Layunin ng pamahalaang magkaroon ng 10 milyong mga turista. Magtatapos na ang taon at halos wala pang apat na milyong panauhin ang dumalaw sa bansa. Ang mga daungan, paliparan at mga lansang at iba pang pagawaing-bayan na susuporta sa pagdating ng milyun-milyong mga turista ay hindi pa naitatayo. Ang paliparan sa Maynila ay kabilang sa pinakamasama sa daigdig.
Ang kailangan, ayon kay G. Binay ay pagkakaroon ng maaasahang logistics system. Kailangan ang malawakang national transport system kabilang ang mga makabagong paliparan, daungan at daang-bakal upang gumalaw ang mga paninda sa mas murang halaga. Kailangan din ang mas makabagong road network.
Kahit pa nangungunang programa ng pamahalaan ang Private-Public Partnership, na hindi naman nagkatotoo sapagkat hanggang ngayon ay pinagbabalakan pa lamang.
Upang magtagumpay ang alinmang pamahalaan, kailangang magkaroon ng maraming trabaho at oportunidad para sa mga mamamayan. Kailangan ding mapalawak ang social services at pagbabago sa liderato at sa mga istruktura na sumasagka sa kaunlaran ng bansa, dagdag pa ni G. Binay.
Magaganap ito kung magkakaroon ng epektibong liderato at kumikilos na pamahalaan. Kailangang magkaroon ng tax re;lief sa pagbabago ng tax rates ayon sa inflation. Maibabalik ang kakayahang mamili ng mga mamamayan.
Nararapat ding bawasan ang corporate tax at makasabay ng mga kalapit-bansa sa Asia. Kailangang ding maibsan ang kahirapan ng mga mamamayan sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |