Ipinatalastas ngayong araw ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa paanyaya nina Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam, at Trương Tan Sang, Pangulo ng Biyetnam, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw na pang-estado sa Biyetnam mula ika-5 ng Nobyembre hanggang ika-6.
Sa paanyaya ni Tony Tan Keng Yan, Pangulo ng Singapore, isasagawa ni Pangulong Xi ang dalaw na pang-estado sa Singapore mula ika-6 hanggang ika-7 ng susunod na buwan.
Salin:Sarah