Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tacloban at mga kalapit pook, unti-unting nakakabangon

(GMT+08:00) 2015-10-30 18:17:49       CRI

MADALI NA KAMING LUMILIKAS. Sinabi ni Raymond Lagaste, isang magsasaka at construction worker na madali na silang sumusunod sa pamahalaan sa oras na magkaroon ng sama ng panahon. Malaking leksyon para sa kanya at sa kanyang pamilya ang pagsunod sa panawagan upang manatiling ligtas. (Melo M. Acuna)

HINDI malilimot ni Raymond Lagarte, 25 taong gulang ang naganap sa kanilang barangay sa Tacloban City noong nakalipas na Biyernes, ikawalo ng Nobyembre noong 2013. Isang magsasaka at paminsan-minsan ay construction worker si Raymond sa kanilang barangay.

Mag i-ikawalo ng umaga ng madama nila ang masamang panahon. Naninirahan siya sa tabing-dagat. Kasama niyang lumikas ang kanyang mga tiyahin at nagtungo sa baeangay center.

Tatlong linggo silang nanirahan sa evacuation center. Nakatanggap sila ng bigas mula sa pamahalaan noong ika-siyam ng Nobyembre at naghanda na ng kanilang pagkain.

Mapalad ang kanyang maybahay at mga anak sapagkat nailikas sila at nadala sa Maynila bago sumapit ang bagyo. Isang buwan din siyang tumanggap ng relief mula sa pamahalaan.

Ngayong natuto na sila sa karanasang dulot ni "Yolanda" noong 2013, madali na silang lumilikas sa oras na makatanggap na abiso mula sa pamahalaan hinggil sa sama ng panahong padating.

Nagpapasalamat siya sa GMA-TV Channel 7 sapagkat kinuha siyang construction worker sa higit sa isang taon mula ng humagupit ang napakalakas na bagyo.

Binubungkal niya ang palayan ng kanyang lola na napinsala rin ng bagyo.

Nagpapasalamat siya sapagkat pinasahod siya ng P 250.00 bawat araw ng himpilan ng telebisyon. Naka-angat na rin naman ng kaunti mula noong tumama ang bagyo. Kung siya'y tatanungin ng pamahalaan, gusto niyang mabigyan ng mas matibay na tahanan upang hindi na lumikas pa sa oras na magkaroon ng sama ng panahon.

Ngayon ay nagtatrabaho siya sa bilang construction worker sa ilalim ng National Housing Authority

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>