Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Senador Ernesto Herrera, namayapa na

(GMT+08:00) 2015-10-30 18:21:14       CRI

DATING SENADOR ERNESTO HERRERA, NAMAYAPA NA.  Pumanaw na sa edad na 73 si dating Senador Ernesto "Boy" Herrera (dulong kanan).  Nakapaglingkod siya bilang senador sa loob ng 12 taon.  Isang kilalang labor leader, nakatulong ang mambabatas sa pagpasa ng panukalang batas na bumuo sa TESDA.  Naging panauhin si G. Herrera sa Tapatan sa Aristocrat noong nakalipas na taon.  (File Photo ni G. Roland Moya ng ECOP)

PUMANAW na si Senador Ernesto "Boy" Herrera matapos atakehin sa puso sa edad na 73 kahapon.

Ayon sa kanyang sekretarya sa loob ng halos 30 taon, na si Tita Misolas, namayapa na ang dating labor leader kahapon ng ikalawa ng hapon sa Manila Doctors Hospital.

Paglalamayan ang dating senador sa Heritage Memorial Park sa Taguig City. Naulila niiya ang kanyang maybahay na si Lourdes, ang apat na anak na sina Maria Luzil, June Francis, Ernesto II at Ernesto III.

Pinuri ni Senate President Franklin Drilon ang namayapang senador sa kanyang dedikasyon sa kanyang ipinaglalaban.

Magugunitang naging Labor and Employment Secretary si Senador Drilon. Ipinag-utos din ni Senate President Drilon ang paglalagay ng bandila sa Senado sa kalahatian o half-mast bilang paggalang sa dating mambabatas at ang pagkakaroon ng necrological services sa Miyerkoles, ika-apat na araw ng Nobyembre.

Naglingkod siyang senador noong 1987 at noong 1992 elections. Naglingkod rin siyang congresista ng Bohol. Bilang mambabatas, ipinaglaban niya ang mga karapatan ng manggagawa, pagkakaroon ng hanapbuhay, fiscal education at anti-drugs programs.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>