|
||||||||
|
||
IPINAGPASALAMAT ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas ang naging desisyon ng Arbitral Tribunal na may hurisdiksyon sila sa usaping inihain ng Pilipinas.
Sa isang mensahe mula sa tanggapan ni Asst. Secretary Charles Jose, sinabi niya na umaasa sila sa pagpapatuloy ng pagdinig sa usapin at magkaroon ng kaukulang desisyon ayon sa halaga ng usapin.
Samantala, sinabi ng Malacanang na ikinatuwa nila ang naging desisyon ng United Nations Permanent Court of Arbitration at naghahanda na para sa susunod na pagdinig.
Kasama si Bb. Abigail Valte ng top-level delegation na kumatawan sa Pilipinas sa The Hague.
Sinabi naman ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr. na ikinatutuwa nila ang desisyon ng Arbitral Tribunal hinggil sa huridiksyon na nagsasaad na makapaglalahad ang Pilipinas ng mga argumento nito sa usapin.
Kagabi, oras sa Maynila, ang international Arbitral Tribunal ay nagsabing nagkakaisang napagkasunduan na mayroon silang hurisdiksyon sa usaping ipinarating ng Pilipinas. Kahit na walang binabanggit hinggit sa soberenya, humihiling ng paliwanag hinggil sa maritime entitlements.
Wala pang opisyal na reaksyon o pahayag ang Embahada ng Tsina sa Maynila hanggang sa sinusulat ang balitang ito.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |