Ayon sa may-kinalamang ulat para sa taong 2016 na ipinalabas kahapon ng World Bank (WB), muling inilista ang Singapore bilang pinakamapagkaibigang bansa para sa negosyo sa daigdig (most business-friendly state). Sampung taong singkad nang nabibigyan ng nasabing titulo ang Singapore.
Sa taunang ulat, 189 na kabuhayan ang sinusuri ng WB kaugnay ng kapaligirang pangnegosyo.
Ang iba pang nasa top-ten ay New Zealand, Alemanya, Timog Korea, Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ng Tsina, Britanya, Estados Unidos, Sweden, Norway at Finland.
Tagapag-salin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio