Tungkol sa gaganaping pagtatagpo ng mga lider ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits na sina Xi Jinping at Ma Ying-Jeou, ipinahayag kahapon (local time) ang White House at Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, ang pagtanggap sa pagsasagawa ng magkabilang pampang ng konstruktibong diyalogo sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa.
Ipinatalastas ngayong araw ni Zhang Zhijun, Puno ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Taiwan, na pagkaraan ng pagsasanggunian ng may-kinalamang departamento ng magkabilang pampang, mag-uusap sa Singapore sa darating na Sabado ang mga lider ng magkabilang pampang na sina Xi Jinping at Ma Ying-Jeou para magpalitan ng kuru-kuro tungkol sa pagpapasulong ng mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang.
Sa isang regular na preskon kahapon, sinabi ni Josh Earnest, Tagapagsalita ng White House, na ang isang matatag at mapayapang relasyon ng magkabilang pampang ay angkop sa pundamental na kapakanan ng Amerika.
Ipinahayag naman nang araw ring iyon ni Elizabeth Trudeau, Puno ng Tanggapan ng Impormasyon ng Kagawaran ng Estado ng Amerika, na may napakalaking kabutihan ang matatag at positibong relasyon ng magkabilang pampang para sa magkabilang pampang, Amerika, at buong rehiyon.
Salin: Li Feng