|
||||||||
|
||
XIAMEN, lalawigang Fujian sa dakong timog ng Tsina--Ipinahayag kahapon dito ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), na binabalak ng Chinese mainland na kanselahin ang kahilingan sa permiso ng pagpasok ng mga kababayang Taiwanes sa mainland.
Winika ito ni Yu sa Ika-7 Straits Forum na binuksan ngayong araw.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Yu na ang tema ng kasalukuyang Porum na Pagpapahalaga sa Kabataan at Paglilingkod para sa mga Karaniwang Mamamayan ay nagpapakita ng malapit na relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits bilang pamilya.
Inulit din ni Yu ang paninindigan ng mainland na patuloy na katigan ang pagpapalitan ng mga magkakababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, buong tatag na pangalagaan ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang at buong tinding tutulan ang mga separatistang elementong nagpapasulong ng pagsasarili ng Taiwan.
Ipinahayag naman ng mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng magkabilang pampang na ang mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ay pangunahing tunguhin at hangarin ng mga magkakababayan. Anila pa, ang mga karaniwang tao ay pinakamalakas na tagapagpasulong sa pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, at ang kanilang pagtitiyaga ay magpapatatag at magpapalago ng relasyon ng magkabilang pampang.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |