|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ni Pangulong Tan Keng Yam ng Singapore, magsasagawa ng opisyal na pagdalaw si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa nasabing bansang ASEAN ngayong gabi at bukas
Kaugnay nito, ipinahayag ni Halimah Yacob, Ispiker ng Parliamento ng Singapore na buong-pananabik na inaabangan ng pamahalaan at mga mamamayan ng kanyang bansa ang pagdalaw ni Pangulong Xi dahil sa kanilang interes sa Tsina bilang isang bansa na mabilis na umuunlad.
Ipinagdiinan ng ispiker na Singaporeano na sa okasyon ng ika-25 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Singapore, ang gagawing pagdalaw ng pangulong Tsino ay magpapalalim ng pagpapalitan at pagtutulungang pampulitika at pangkabuhayan.
Napag-alamang sa panahon ng biyahe ni Pangulong Xi sa Singapore, magkakasamang ipapatalastas ng dalawang bansa ang pagsisimula ng kanilang ikatlong kooperatibong proyektong pampamahalaan. Ang unang dalawang katulad na proyekto ay Suzhou Industrial Park at Tianjin Eco-city. Kasabay nito, dahil kapuwa ang Tsina at Singapore ay matatagpuan sa kahabaan ng 21st Century Maritime Silk Road, lalagda rin ang dalawang bansa sa kasunduaang pangkooperasyon hinggil dito.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |