|
||||||||
|
||
Nakatakdang magtagpo bukas sa Singapore sina Xi Jinping at Ma Ying-jeou, lider ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait. Ang pangkasaysayang pagtatagpo na naglalayong pasulungin ang kaunlarang pangkapayapaan ng magkabilang pampang ay nakatawag ng pansin ng iba't ibang sektor ng Singapore.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Singapore, ang naturang pagtatagpo ay magsisilbing muhon sa relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait sapul noong 1949. Muling ipinahayag ng nasabing ministri ang pagkatig sa patakarang "Isang Tsina".
Ayon naman sa artikulo ng pahayagang Lianhe Zaobao ng Singapore, ang gagawing pagtatagpo ng mga lider ng magkabilang pampang ay magpapakita ng breakthrough sa kanilang bilateral na relasyon.
Inilarawan din ni Zheng Yongnian, Direktor ng East Asian Institute ng National University Of Singapore (NUS), ang direktang pagpapalitan nina Xi at Ma bilang muhon sa kasaysayan ng relasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait.
Tagapagsalin: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |