Dumalo kahapon sa Hanoi, Biyetnam sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa at kanyang maybahay na si Peng Liyuan sa bangketeng panalubong, na inihanda nina Pangkalahatang Kalihim Ngyuyen Phu Trong ng Partido Komunista ng Biyetnam(CPV) at Pangulong Trong Tan Sang ng Biyetnam.
Sa kanilang talumpati sa pagtitipon, ipinahayag nina Xi Jinping at Nguyen Phu Trong na makikinabang ang mga mamamayan ng Tsina at Biyetnam mula sa walang tigil na pag-unlad ng relasyong Sino-Biyetnames. Umaasa anila silang magkasamang magsisikap ang dalawang panig para mapasulong ang pangmatagalang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan, at gumawa ng kani-kanilang ambag sa pangangalaga sa katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.