Dumating ngayong hapon (local time) sa Hanoi, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, para pasimulan ang kanyang dalaw-pang-estado sa Biyetnam.
Ipinadala ni Xi ang taos-pusong pangungusta at mabuting pagbati sa lahat ng miyembro ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at mga mamamayang Biyetnames. Tinukoy niya na nitong 65 taong nakalipas sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, walang humpay na sumasagana ang nilalaman ng relasyong Sino-Biyatnames, at walang humpay na tumataas ang lebel nito. Pagkaraang pumasok sa bagong siglo, walang humpay na lumalalim ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, ito ay nakakapaghatid ng aktuwal na kapakanan sa mga mamamayan ng dalawang bansa, at nakakapagbigay ng mahalagang ambag para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito, dagdag niya.
Sinabi ni Xi na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang tradisyonal na pagkakaibigang Sino-Biyetnames. Nakahanda aniya ang Tsina na masikap kasama ng Biyetnam para magkasamang mapasulong ang pangmatagalan, malusog, at matatag na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng