Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Konektibidad at Internet economy ng 2014 Beijing APEC, mananatiling pangunahing paksa ng 2015 APEC: opisyal Pilipino

(GMT+08:00) 2015-11-12 11:10:09       CRI

Sa group interview ng Chinese media organizations na nakabase sa Maynila, sinabi ni Laura Q. Del Rosario, Philippine Foreign Affairs Undersecretary for International Economic Relations na ibayo pang pasusulungin ang konektibidad at Internet economy, dalawang pangunahing paksa sa 2014 Beijing APEC, sa idaraos na Pulong ng mga Lider Ekonomiko ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) sa Maynila sa susunod na linggo.

Konektibidad, FTAAP at Internet Economy

Sa 2014 Beijing APEC, sinang-ayunan ng mga miyembro na balangkasin ang blueprint para mapasulong ang koneksyong piskal, institusyonal at people-to-people sa 2025.

Sa 2014 Beijing APEC, sinang-ayunan din ng mga kasaping kabuhayan na magsimula ng magkasanib na pag-aaral hinggil sa Free Trade Area of the Asia-Pacific (FTAAP). Itinuring itong opisyal na pagsisimula ng proceso ng FTAAP.

Ipinahayag din ni Del Rosario na patuloy na ipapatupad ang paksa ng Internet Economy sa 2015 APEC. Idinagdag pa niyang dahil sa pag-unlad ng Internet, may mga industriyang humihina at mas marami pang industriya ang umuusbong.

Turismo, edukasyon at kakayahang kompetetibo sa serbisyo

Kaugnay ng mga konkretong hakbang para ibayo pang mapasulong ang konektibidad, sinabi ni Del Rosario na ang pagpapalago ng turismo at pagpapapasok ng mga turistang dayuhan ay isang paraan, at ang paghihikayat sa mga estudyante na mag-aral sa ibayong dagat ay isa pang paraan. Idinagdag pa niyang simula noong 2014, hinihikayat na ng APEC ang mga pamantasan ng lahat ng mga miyembro na magkaloob ng scholarship para sa mga estudyanteng dayuhan.

Ani pa Del Rosario, bilang punong-abala sa taong ito, pinaplano ng Pilipinas na itakda ang framework sa iba't ibang serbisyo at iharap ang roadmap para sa pagkakompetetibo ng mga serbisyo.

Troika

Isinalaysay rin ni Del Rosario ang hinggil sa mekanismo ng troika. Aniya, ang troika ay tumutukoy sa mekanismo ng APEC kung saan ang mga punong-abala ay laging magpapatuloy at ibayo pang magpapasulong ng mga agenda at proposal na iniharap ng dating punong-abala ng taunang pulong. Ibig sabihin, sa gaganaping APEC Meeting, ibayo pang pasusulungin ng Pilipinas ang mga agenda at paksa na itinakda ng Tsina sa 2014 APEC. Samantala, ipapasa naman ng Pilipinas sa Peru, punong-abala ng 2016 APEC ang mga pinapalawak na inisyatiba at bagong inisyatiba.

Backgrounder ng APEC

Ang APEC na may 21 kasapi ay plataporma ng pagtutulungang pangkabuhayan na may pinakakumpletong mekanismo, pinakamataas na antas at pinakamalaking impluwensiya sa Asya-Pasipiko. Nitong mahigit 20 taong nakalipas sapul nang itatag ng APEC, gumaganap ito ng malaking papel sa pagpapasulog ng liberalisasyon ng kalakalan at pamumuhunan, pagpapalalim ng integrasyong pangkabuhayang panrehiyon at pagpapasulong ng kasaganaang pangkabuhayan ng daigdig.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>