Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministring Panlabas ng Tsina, nagdaos ng briefing tungkol sa G20 at APEC Summit

(GMT+08:00) 2015-11-11 13:37:26       CRI

Ayon sa Xinhua News Agency, sa isang news briefing na idinaos kahapon ng Ministring Panlabas ng Tsina, isinalaysay nina Li Baodong, Pangalawang Minitrong Panlabas ng Tsina, Zhu Guangyao, Pangalawang Ministro ng Pinansya ng Tsina, Wang Shouwen, Pangalawang Ministrong Komersyal ng Tsina, at Zhu Jun, Puno ng Departamentong Pandaigdig ng People's Bank of China, ang hinggil sa gagawing pagdalo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-10 G20 Summit, at Ika-23 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).

Hinggil sa Ika-10 Pulong ng mga Lider ng G20

Ipinahayag ni Li Baodong na gaganapin sa Antalya, Turkey ang Ika-10 Pulong ng mga Lider ng G20 mula ika-15 hanggang ika-16 ng kasalukuyang buwan. Sa panahon ng pulong, dadalo si Pangulong Xi sa lahat ng pormal na aktibidad sa pulong para sistematiko at malalimang ilahad ang palagay at paninindigan niya hinggil sa kalagayang pangkabuhayan sa daigdig. Itataguyod din aniya ni Xi ang kooperasyon ng iba't-ibang panig para harapin ang hamon at magkakasamang galugarin ang bagong puwersa sa paglaki. Bukod dito, isasagawa ni Xi ang mga bilateral na pakikipagtagpo sa mga lider ng may-kinalamang bansa para magpalitan ng kuru-kuro hinggil sa bilateral na relasyon at mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapwa nila pinahahalagahan.

Ipinahayag din ni Zhu Guangyao na isinasabalikat ng Antalya Summit ang mahalaga at mahirap na tungkulin sa pagpapasigla ng kompiyansa sa daigdig, at paggarantiya sa malakas, sustenable, at balanseng paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Tinukoy ni Wang Shouwen na nakahanda ang panig Tsino na isagawa ang malalimang pakikipagtalakayan sa iba't-ibang panig hinggil sa mga temang pangkabuhayan at pangkalakalan para magkakasamang mapasulong ang pagtatamo ng summit ng positibo at aktuwal na bunga.

Isinalaysay ni Zhu Jun ang may-kinalamang patakaran at paninindigan ng panig Tsino hinggil sa mga temang gaya ng estratehiya ng komprehensibong paglaki, reporma sa mga departamentong pinansyal, reporma sa IMF, at pamumuhunan sa imprastruktura.

Hinggil sa Ika-23 Di-Pormal na Pulong ng APEC

Ipinahayag ni Li Baodong na gaganapin sa Maynila ang Ika-23 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) mula ika-18 hanggang ika-19 ng buwang ito. Sa panahon ng pulong, dadalo at bibigkas ng talumpati si Pangulong Xi sa Summit ng mga Lider Industriyal at Komersyal ng APEC. Isasagawa din aniya ni Pangulong Xi ang mga bilateral na pakikipagtagpo sa mga lider ng may-kinalamang kasapi ng APEC para talakayin ang tungkol sa prospek ng APEC cooperation at bilateral at aktuwal na kooperasyon.

Tinukoy ni Li na ang Tsina ay tagapagtatag at tagapag-abuloy ng APEC. Pinahahalagahan aniya ng Tsina ang mahalagang papel ng APEC sa pagpapasulong ng kooperasyon ng rehiyong Asya-Pasipiko.

Idinagdag pa niya na ang malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko ay bagong target ng integrasyong panrehiyon ng APEC. Inaasahan aniya ng panig Tsino na magsisikap kasama ng iba't-ibang panig para tapusin ang pag-aaral sa magkakasanib na estratehiya hinggil sa nasabing sona sa katapusan ng susunod na taon. Ito ay makakalikha ng positibong kondisyon para sa pagtatatag ng isang komprehensibo, mataas na kalidad, at balanseng malayang sonang pangkalakalan ng Asya-Pasipiko, dagdag pa niya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>