Mula ika-18 hanggang ika-19 ng kasalukuyang buwan, gaganapin sa Manila, Pilipinas ang Ika-23 Di-pormal na Pulong ng mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Mula kahapon, magkakasunod na dumating ng Manila ang mga lider at delegasyon mula sa iba't-ibang ekonomiya ng APEC. Kaugnay nito, binigyang-diin kahapon ni Charles Jose, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, na "nasa kontrol" ang mga hakbanging panseguridad para sa mga kalahok na lider at kinatawan mula sa mga 20 ekonomiya.
Kinumpirma rin kahapon ni Abigail L. Valte, Pangalawang Tagapagsalita ng Malacanang, na pagkaraang maganap ang serye ng teroristikong pagsalakay sa Paris, nakipagpulong si Pangulong Benigno Aquino III sa grupong panseguridad ng gabinete, at hiniling niya na pabutihin ang lahat ng paghahanda para sa nasabing pulong, at balangkasin ang plano para harapin ang anumang biglang insidente.
Salin: Li Feng