|
||||||||
|
||
Sa press briefing, ipinahayag ni Del Rosario na ang pagdalaw ni Pangulong Xi ay simbolikong gawain para mapalakas ang relasyong Sino-Pilipino.
Idinagdag pa niyang ang pagdalo ni Pangulong Xi sa APEC ay nagsisilbi ring mensahe sa rehiyong Asya-Pasipiko na sabay nagsisikap bilang isang team para malutas ang komong isyung pangkabuhayan.
Undersecretary Laura del Rosario sa preskon sa International Media Center sa World Trade Center, Manila. File photo/Photo credit: APEC2015 Philippines official Facebook page
Sa kanyang pagdalaw kamakailan sa Maynila, ipinahayag naman ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang pag-asang magtatagumpay ang APEC 2015. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Tsina, punong-abala ng APEC 2014, na magbigay ng kinakailangang suporta sa Pilipinas na siya namang host ng APEC 2015.
Nakatakdang dumating ng Maynila si Pangulong Xi bukas ng hapon mula sa Antalya, Turkey kung saan dumalo siya sa G20 Summit.
Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |