Sa kanyang talumpati ngayong araw sa APEC CEO Summit, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa harap ng mga kahirapan sa kabuhayang pandaigdig, dapat hawakan nang mainam ng Asya-Pasipiko ang direksyon ng pag-unlad. Dapat aniyang magkakasamang magsikap ang iba't-ibang ekonomiya ng rehiyong Asya-Pasipiko para puspusang mapasulong ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Ani Xi, dapat igiit ang pagpapasulong ng reporma at inobasyon. Kung talagang nais malutas ang masusing problema sa kabuhayang pandaigdig, dapat gumawa ng mas malaking pagsisikap sa aspekto ng pagpapasulong ng reporma sa estrukturang pangkabuhayan.
Dagdag pa ng Pangulong Tsino, dapat buong sikap na baguhin ng rehiyong Asya-Pasipiko ang ideya, modelo, at paraan ng pag-unlad. Dapat din aniyang pabilisin ang pag-u-upgrade ng mga industriya, at dapat pasulungin ang pagbabago ng modelo ng produkto, pangangasiwa, at komersyo sa pamamagitan ng siyentipikong inobasyon.
Salin: Li Feng