Ipininid kahapon sa Antalya, Turkey ang ika-10 Summit ng G20. Pagkatapos ng pulong, ipinalabas din ang "G20 Antalya Communique" at "G20 Antalya Statement on Anti-Terrorism." Napagpasiyahan ng mga kalahok na magkasamang magsikap para maisakatuparan ang inklusibo at matatag na pag-unlad ng daigdig, at mapahigpit ang pakikibaka laban sa terorismo.
Bilang host ng 2016 G20 Summit, inilahad ni Pangulo Xi Jinping ng Tsina ang plano at isinasagawang preparasyon ng bansa para sa pagtitipong ito. Ipinahayag ni Pangulo Xi na batay sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig at pagkabahala ng ibat-ibang panig, nakatakdang talakayin sa pagtitipon, pangunahin na ang hinggil sa paraan para sa pagpapalaki ng kabuhayan sa pamamagitan ng inobasyon, ibayo pang pagpapabuti ng pangangasiwa ng kabuhayan at pinansya ng daigdig, pagpapasulong ng kalakalan at pamumuhunan ng daigdig, at pagpapasulong ng inklusibo at magkasamang pag-unlad ng daigdig.
Nakatakdang idaos ang 2016 G20 Summit sa lunsod ng Hangzhou, dakong Silangan ng Tsina mula ika 4-5 ng Setyembre.