Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangunahing papel ng APEC sa pagpapalago ng kabuhayang pandaigdig, ipinagdiinan ng Pangulong Tsino

(GMT+08:00) 2015-11-18 19:41:48       CRI

Sa Manila, Pilipinas—Sinimulan nang idaos dito ngayong Miyerkules ang 2-araw na ika-23 Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Miyerkules ng umaga, dumalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa APEC CEO Summit, at bumigkas ng talumpating pinamagatang "Pagpapatingkad ng Nangungunang Papel ng Asya-Pasipiko para sa Pagharap sa Hamon sa Kabuhayang Pandaigdig."

 Si Pangulong Xi Jinping habang nagtatalumpati sa APEC 2015 CEO Summit, Nov. 18, 2015. (Xinhua/Li Xueren)

Responsibilidad ng Asya-Pasipiko

Sinabi ni Pangulong Xi na sa background na maraming kinakarap na hamon ang kabuhayang pandaigdig, nararanasan din ang mga ekonomiya ng Asya-Pasipiko ng iba't ibang umiiral na nakatagong kahirapan at panganib. Dahil dito, nanawagan siya sa lahat ng kasapi ng APEC na magkakasamang magpursige at isabalikat ang responsibilidad sa pagpapasulong ng paglago ng kabuhayang pandaigdig.

Pasulungin ang Reporma at Inobasyon

Upang maisakatuparan ang nasabing responsibilidad at pataasin ang puwesto ng katayuan ng APEC sa pagpapapasulong ng kabuhayang pandaigdig, nanawagan ang pangulong Tsino para sa patuloy na pagpapasulong ng reporma at inobasyon. Ipinaliwanag niyang maaaring isagawa ang inobasyon sa iba't ibang aspeto at larangan na gaya ng inobasyon sa pamamaraan at landas ng pag-unlad, inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, inobasyong pang-pangangasiwa.

Pabilisin ang FTAAP

Pinahahalagahan ng pangulong Tsino ang pagtatatag ng bukas at inklusibong kabuhayan. Para rito, hiniling niya sa mga kasapi ng APEC na pabilisin ang pagtatatag ng Free Trade Area ng Asya-Pasipiko (FTAAP), proposal na pinagkasunduan ng mga kalahok sa 2014 Beijing APEC.

UN 2030 Development Agenda, Ipatupad

Nanawagan din si Pangulong sa mga kasapi ng APEC na ipatupad ang United Nations (UN) 2030 Agenda for Sustainable Development. Iminungkahi niyang ilakip ng mga kasapi ng APEC ang nasabing Agenda sa kani-kanilang pambansang patakarang pangkabuhayan.

Interconnectivity, Isagawa

Nanawagan din si Xi sa mga kalahok na counterpart na patuloy na ipatupad ang blueprint sa pagpapasulong ng koneksyong piskal, institusyonal at ugnayang people-to people na narating sa 2014 APEC. Iminungkahi rin niyang iugnay ng iba't ibang kasapi ng APEC ang kani-kanilang pambansang patakaran at proyektong pangkaunlaran at magkomplemento sa isa't isa para maisakatuparan ang komong pag-unlad.

Payapang Pagkamit ng Kaunlaran

Iminungkahi rin ni Pangulong Xi ang pagpapalakas sa diyalogo at koordinasyong pampatakaran ng mga kasapi ng APEC. Hinimok din niyang ipauna ang kaunlaran at lumikha ng mapayapang kapaligiran para sa kaunlaran. Aniya pa, kailangang hikayatin ang multilateral na pag-unlad at kaugnay nito, kailangang lutasin ang mga alitan sa pamamagitan ng diyalogo, batay sa diwa at ideya ng pagtutulungan, win-win situation at ibinabahaging tadhana.

Kaunlaran ng Tsina, Kaunlaran ng Asya-Pasipiko

Inilahad ni Pangulong Xi na bilang isang miyembro ng pamilyang Asya-Pasipiko, ang pag-unlad ng Tsina ay nagsimula mula sa Asya-Pasipiko at pinakikinabangan ng Asya-Pasipiko. Dahil dito, ang pag-unlad ng Tsina ay nakaugat sa Asya-Pasipiko at magdudulot ng benepisyo para sa rehiyong ito.

Ipinahayag ni Xi na sa ilalim ng bumabagal na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig, upang isabalikat ang pananagutan bilang ikalawang pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, buong-sikap na kinakaharap at nilulutas ng Tsina ang kahirapan at hamon para mapanatili ang katamtamang bilis at dekalidad na pag-unlad ng kabuhayan. Ipinahayag din niya ang determinasyon sa patuloy na pagpapabuti ng estrukturang pangkabuhayan ng Tsina at ang tiwala sa magandang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan Tsino.

Inilahad din niyang itatampok sa Ika-13 Panlimahang Taunang Pambansang Plano (2016-2020) ng Tsina ang inobatibo, balanse, luntian, bukas at ibinabahaging pag-unlad. Biniyang-diin niyang di magbabago ang patakaran ng Tsina na may kinalaman sa puhunang dayuhan, di magbabago ang pangangalaga sa interes at karapatan ng mga bahay-kalakal na may puhunang dayuhan, at di-magbabago ang hangarin para mapabuti ang serbisyo para sa mga bahay-kalal na dayuhan. Idinagdag pa niyang hindi kailanman sasarhan ng Tsina ang pinto ng pagbubukas.

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tapagpagpulido: Mac

Photo edit: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>