Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

FTAAP at MSMEs, isusulong sa APEC 2015: Usec. Cristobal ng DTI

(GMT+08:00) 2015-11-18 12:13:34       CRI
ISANG malaking ekonomiya ang taglay ng Tsina kaya't hindi lamang ito mahalaga para sa Asia kundi sa Asia Pacific region. Sa isang eksklusibong panayam, sinabi ni Trade and Industry Undersecretary Adrian Cristobal, Jr. na isang mahalagang bahagi ng pangrehiyong ekonomiya, partikular na sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) economies.

Si Trade and Industry Undersecretary Adrian Cristobal, Jr. sa panayam. Bilang isa sa mga punong-abala sa APEC 2015, sinabi ni G. Cristobal na ipinagpatuloy ng Pilipinas ang sinimulan sa Beijing noong APEC 2014. Kabilang dito ang interconnectivity at iba pang paksa. (Melo M. Acuna)

Free Trade Area para sa Asia-Pacific

Binanggit ni Undersecretary Cristobal na siya ring Managing Head ng Board of Investments na ang pinakamahalaga sa mga proposal ng Tsina bilang kasapi ng APEC ay ang tinaguriang Free Trade Area para sa Asia-Pacific (FTAAP) na magkakaroon ng mas magandang daloy mga paninda, sebisyo at kalakal. Sa 2014 Beijing APEC, sinang-ayunan ng mga kasaping kabuhayan na magsimula ng magkasanib na pag-aaral hinggil sa FTAAP.

Ang mga paksang sinimulan sa nakalipas na APEC 2014 ay itinuloy ng Pilipinas ngayon kabilang na ang Free Trade Agreement in the Asia Pacific. Maraming sinimulan ang Tsina na itinuloy sa mga working group sa APEC tulad ng mga komite upang mabigyang pansin ang connectivity at tuloy ang pag-uusap at pagtalakay sa mahalagang paksang tulad rin ng food security sa kapaligiran.

Boracay Action Agenda to Globalize Micro-Small-Medium Enterprises (MSMEs)

Bilang pagpapatuloy ng mga sinimulang proposal sa APEC 2014, nitong nagdaang Mayo sa APEC Senior Officials' Meeting, ihinain din ng Pilipinas sa Boracay Action Agenda to Globalize Micro-Small-Medium Enterprises (MSMEs) para palaguin ang sektor na ito at magkaroon ng kakayahan na makipagkalakalan sa pamilihang panrehiyon at pandaigdig.

Nabigyang sigla sa nasabing Agenda ang MSMEs na siyang magpapalago ng kalakal, mga paninda at serbisyo na noo'y pinakikinabangan ng malalaki at mga multinational na kumpanya sapagkat sila ang may kakayahang kumuha ng mga abogado, brokers at magpadala ng mga paninda.

Magaganap ito sa pagpapalakas ng e-commerce sapagkat kahit micro enterprise ay makakatagpo ng mga mamimili sa pamamagitan ng Internet. Kailangang maging simple ang customs procedures upang makahinga ang MSMEs.

APEC Portal

Matapos pagtibayin ng mga trade ministers, inaasahang sususugan ito ng mga APEC Leaders at bubuuin ang action plan na magbibigay ng tiyak na pamamaraan sa pagpapatupad nito.

Mangyayari ito sapagkat inilunsad na rin kasabay ng pagpupulong ng mga senior officials at ministers ang portal ng APEC na naglalaman ng mga batas at iba pang impormasyon hinggil sa pagkakalakal sa iba't ibang APEC economies.

Mahalaga ang repository ng mga alituntunin sapagkat magiging transparent ang lahat. Magtatapos ito sa susunod na ilang taon upang higit na mapayabong ang oportunidad para sa MSMEs na makipagkalakal.

Inulit ni Undersecretary Cristobal na mahalaga ang Tsina para sa Pilipinas sapagkat kabilang sa nangungunang limang pamilihan ng bansa para sa mga produkto at serbisyo. Ipagpapatuloy ng Pilipinas ang promotional activities sa Tsina upang maglagak sila ng kapital sa kapuluan.

Tagapagpanayam: Melo

Tagapag-ulat: Melo/Mac/Jade

Tagapag-edit: Jade/Mac

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>