Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kooperasyon at win-win situation para sa kasaganaan ng Asya-Pasipiko, iminungkahi ng Pangulong Tsino

(GMT+08:00) 2015-11-19 19:19:15       CRI
Maynila, Pilipinas--Nitong ika-19 ng Nobyembre idinaos ang 23rd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting na may temang "Itatag ang Inklusibong Kabuhayan, Itatag ang mas Mabuting Daigdig." Tinalakay ng mga kalahok na lider ekonomiko ang mga paksa na may kinalaman sa pagpapasulong ng integrasong pangkabuhayan at inklusibong paglaki ng kabuhayan.

Group photo bago idaos ang 23rd APEC Economic Leaders' Meeting sa Maynila, Pilipinas, Nov. 19, 2015. (Xinhua/Yao Dawei)  

Napagkasunduan ng mga lider ekonomiko na magkakasamang magpupursige para itatag ang pamilyang Asya-Pasipiko na nagtatampok sa katatagan, integrasyon at kasaganaan. Sumang-ayon din silang pasulungin ang pagtatatag ng Free Trade Area para sa Asya-Pasipiko (FTAAP) batay sa narating na roadmap sa 2014 Beijing APEC. Pumayag din silang magsikap para maisakatuparan ang balanse at sustenableng pag-unlad batay sa pagpapasulong ng reporma at inobasyon. Nakahanda rin silang ibayo pang magsikap para mabawasan at mapawi ang kahirapan. Napagkasunduan din nilang pasulungin ang inklusibong pag-unlad, palalimin ang interconnectivity at pasulungin ang bukas na mekanismong pangkalakalan.

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay bumigkas ng talumpati na pinamagatang "Palalimin ang Partnership, Magkakasamang Pasulungin ang Kasaganaan ng Asya-Pasipiko."

Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina habang nagtatalumpati sa the 23rd APEC Economic Leaders' Meeting sa Maynila, Pilipinas, Nov. 19, 2015. (Xinhua/Rao Aimin)

Ipinahayag ni Pangulong Xi na noong 2014, nagtipun-tipun sa Beijing ang mga lider ekonomiko ng Asya-Pasipiko. Pagkaraan ng isang taon, muling nagtagpo ang mga lider. Hindi nagbabago ang layunin para mapalalim ang pagtutulungang Asya-Pasipiko at magkakasamang mapasulong ang kaunlaran ng rehiyong ito.

Pangmalayuang Kooperasyon, Pagbutihin

Iminungkahi ni Xi sa mga kasapi ng APEC na magkaroon ng pangmalayuang pananaw at pabutihin ang estratehikong balangkas ng mid-term at long-term na kooperasyong panrehiyon. Samantala, itakda ang target, konkretong hakbang at timetable sa mga pangunahing larangang pangkooperasyon.

Reporma, Inobasyon Pasulungin

Hiniling ni Pangulong Xi sa mga kasapi ng APEC na isagawa ang reporma at inobasyon para mahanap ang bagong lakas na pampaunlad ng kabuhayang Asya-Pasipiko. Idinagdag pa niyang kailangang pasulungin ang pagbabago ng pamamaraan ng pagpapaunlad, pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, pagpapabilis ng inobasyon, at pagpapalawak at pagpapalalim ng pagtutulungan sa mga larangang may malaking potensyal na gaya ng urbanisasyon, Internet economy, at blue economy.

Bukas na Kabuhayan, FTAAP Itatag

Inipropose din ng niya sa mga kasapi ng APEC na pasulungin ang bukas at inklusibong kabuhayan. Para rito, nanawagan siyang itatag ang Free Trade Area para sa Asya-Pasipiko (FTAAP) at sa proseong ito, kailangang pangalagaan ang multilateral na mekanismong pangkalakalan. Himimok din niya ang mga kasapi na umaksyon para maging mabunga ang mga napagkasunduan.

Interconnectivity, Pasulungin

Iminungkahi rin ni Xi ang pagpapasulong ng interconnectivity blueprint na napagkasunduan sa 2014 Beijing APEC, para malutas ang pangunahing hadlang sa kaunlarang Asya-Pasipiko.

AIIB, OBOR Patuloy na Tupdin

Inilahad din ni Pangulong Xi na kasalukuyang itinatatag ng Tsina, kasama ng mga may kinalamang bansa ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at pinapasulong din ang land-based Silk Road Economic Belt at 21st Century Maritime Silk Road, o Belt and Road Initiative na iniharap ng Tsina para sa komong kaunlaran.

Pangako ng Tsina, Ipinagpapatuloy

Ipinangako rin ni Pangulong Xi ang patuloy na pagpupursige ng Tsina para sa konektibidad, pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan at matatag na kapaligirang pangkaunlaran ng Asya-Pasipiko. Inilahad din niyang itatampok sa Ika-13 Panlimahang Taunang Pambansang Plano (2016-2020) ng Tsina ang inobatibo, balanse, luntian, bukas at ibinabahaging pag-unlad. Ipinahayag din niya ang determinasyon sa patuloy na pagpapabuti ng estrukturang pangkabuhayan ng Tsina at ang tiwala sa magandang tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan Tsino para makalikha ng mas maraming pagkakataon at makapagdulot ng mas maraming benepisyo para sa mga kasapi ng APEC.

Panlahat na Kapakinabangan, Inklusibong Pag-Unlad Pasulungin

Nagtalumpati rin si Pangulong Xi kaugnay ng panlahat na kapakinabangan at inklusibong pag-unlad. Kaugnay nito, ipinagdiinan niyang kailangang manangan ang mga kasapi ng APEC sa pagiging makatwiran, bukas, komprehensibo at inobatibo. Kailangan din aniyang tulungan ang mga umuunlad na miyembro para sanayin ang mga tao at ilagak ang mas maraming pondo sa mga usaping may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan. Hiniling din niya sa aktibong pagharap sa mga hamong pangkahirapan. Binigyang-diin niyang dapat makinabang sa liberalisasyong pangkalakalan at pampuhunan at interconnectivity ang mahihirap na mamamayan. Ipinagdiinan din niya ang kalidad ng pag-unlad at ang pagpapasulong ng green development.

Tagapagsalin:Jade

Tagapagpulido:Mac

 

May Kinalamang Babasahin
APEC
v APEC Philippines 2015 2015-11-14 11:01:00
v APEC Beijing Meeting 2014-10-29 16:35:53
APEC
v Anu-ano ang isinuot ng mga lider sa APEC Summit (2007-2015) 2015-11-19 16:51:16
v Mga napakainteresante at malikhaing disenyo sa APEC 2015 2015-11-18 22:14:02
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>