|
||||||||
|
||
Nakatakdang idaos ang APEC Economic Leaders' Welcome Dinner sa Miyerkules, November 18. Ang kilalang desigher na si Kenneth Cobonpue ang creative director ng aktibidad na ito. Ayon sa kanya, sa pamamagitan ng disenyo, gusto niyang ipakita ang imahe ng "Global Filipino." Tingnan natin ang kanyang napakainteresante at malikhaing disenyo.
Ang inspirasyon ng disenyo ng dining room ng Welcome Dinner sa Mall of Asia (MOA) Arena ay galing sa rice terraces. Ito ay parang isang malaking hardin sa labas. Ang madamong pabilog na entablado ay itinatayo sa gitna ng bulwagan upang maging mas warm at cozy ang arena. Sa kisame ng arena isasabit ang makukulay na palamuti mula sa dahon ng anahaw.
Ang mga silya sa tabi ng stage ay parang pala. Puwede itong kumilos ng 360 degree kasi gaganap ang mga palabas sa 360 degrees.
Bukod sa hapagkainan at silya, ang regalong-panalubong ng APEC ay ginawa rin ni Kenneth Cobonpue. Ang pasalubong ay tinatawag na "Sama-sama." Yari ito ng brass, yellow gold, at warm copper, na kumatawan ng iba't ibang lahi ng tao. Magkakabit ang bawat pigurin habang umakyat, na nangangahulugang "tungo palangit."
Ang regalong ito ay simbolo ang pagkakaiba sa kultura, lipunan, at pulitika ng komunidad ng APEC, at kumatawan ng pagkakaisa, partnership at kooperasyon sa pagitan ng mga miyembrong ekonomiya.
Si Kenneth Cobonpue ay isang "Global Pilipino." Siya ay ipinanganak sa Cebu at nag-aral ng disenyo noong bata pa siya sa New York Amerika, Italya, at Alemanya.
Isa sa mga pinakamahalagang pinagmumulan ng kanyang likha ay kalikasan. Makikita ito mula sa kanyang disenyo ng muwebles. Kahit iba't iba ang paggamit ng mga ito, pareho ang kanilang ideya: simple, maagan, at natural. Ang mga prodykto ni Cobonpue ay kombinisyon ng materyal mula sa lokalidad at likhang-kamay.
Dahil sa kanyang global background, pinili si Cobonpue bilang tagapagdisenyo ng bulwagan ng APEC Economic Leaders' Welcome Dinner. Siya ang bahala sa pagdisenyo ng Mall of Asia (MOA) Arena, kung saan idaraos ang welcome dinner, at pagsalubong ng 21 Economic Leaders.
Photo Credit: Official Website of APEC 2015
Salin: Andrea
| ||||
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |