|
||||||||
|
||
Ang isa sa mga pinakamalaking tampok ng Di-Pormal na Pulong ng Mga Lider ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) ay, sa halip ng formal attire, ang pagsusuot ng lahat ng mga lider ng national costume ng miyembrong tagapagtaguyod, at saka pagkuha ng APEC leaders group photo. Ibinahagi na namin sa inyo ang mga national costume na isinuot ng mga kalahok na lider sa APEC Summit mula 1993 hanggang 2006, at ngayong araw, ang mga isinuot ng mga lider mula 2007 hanggang 2015 ang pag-uusapan natin.
Sydney, Australia, 2007
Sa APEC Summit sa Sydney noong 2007, nagsuot ang mga lider ng tradisyonal na kasuotan ng Australia na tinatawag na Driza-Bone. Kayumanggi ang Driza-Bone na isinuot ng mga lider, at magkakaiba ang kulay ng kuwelyo, halimbawa, asul, dilaw at luntian. Magkakahiwalay na kumatawan ang mga elementong ito sa mahabang coastline, araw, disyerto, halaman at iba pa ng Australia.
Lima, Peru, 2008
Ang baligtarang poncho na yari ng alpaca fibre ay inihadog ng Peru para sa mga lider ng APEC. May grey at maitim na dekorasyon sa ibaba ng poncho. Ito ang tradisyonal na kasuotan ng mga American Indian sa purok na bulubundukin ng Andes ng Peru.
Singapore, 2009
Ang isinuot ng mga lider sa APEC meeting sa Singapore ay long-sleeved linen shirts na may mandarin collar. Ang desenyo ng naturang kasuotan ay naglalayong ipakita ang pagkakaiba-iba ng lahi at kultura ng Singapore. Ang kasuotang panlalaki ay yari sa linen, at may tatlong kulay na kinabibilangan ng luntian, pula at grey. At ang kasuotang pambabae naman ay yari ng pulang seda.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |