|
||||||||
|
||
Sa Kuala Lumpur, Malaysia—Bubuksan dito sa Sabado ang ika-27 ASEAN Summit. Sa kasalukuyan, handang handa na ang iba't ibang gawaing preparatoryo.
Pasukan para sa mga kalahok na panauhin sa Kuala Lumpur Convention Center
Nagtatrabaho ang mga mamamahayag sa media center ng pagdarausan ng ika-27 ASEAN Summit.
Nagkokober ang dalawang mamamahayag sa labas ng pagdarausan ng ASEAN Summit.
Isinagawa kamakailan ng Pamahalaan ng Malaysia ang mga mahigpit na hakbanging panseguridad para maigarantiya ang seguridad sa serye ng Pulong ng Silangang Asya na gaganapin mula bukas. Maraming pulis ang nakakatalaga sa paligid ng Kuala Lumpur Convention Center. Sa mga hotel na titirahan ng mga lider ng iba't-ibang bansa, komprehensibong itinaas ng panig pulisya ang mga hakbanging panseguridad. Sinarhan din ang mga lansangan sa Kuala Lumpur, at maraming pulis ang pumapatrolya sa mga lansangan.
Security check sa pasukan ng pagdarausan ng ASEAN Summit
Mga tauhang panseguridad sa loob at labas ng Kuala Lumpur Convention Center
Ipinahayag ni Khalid Abu Bakar, National Police Chief ng Malaysia, na ginawa na ng panig pulisya ang kompletong hakbanging panseguridad sa nasabing pulong para harapin ang anumang posibleng gaganaping pangyayari na kinabibilangan ng teroristikong pag-atake mula sa "Islamic State (IS)."
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |