NADISMAYA ang iba't ibang grupo kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa pagsangayon sa paggamit ng nuclear energy sa Pilipinas. Ito ang reaksyon ng mga samahang kasapi ng Philippine Movement for Climate Justice na tumuligsa sa 16 na pahinang dokumento na sumasangyaon sa paggamit ng nuclear energy at malinis na uling upang magkaroon ng energy-efficient at low carbon development.
Sa isang pahayag, sinabi ni PMCJ National Coordinator Gerry Arances na matagal na silang nanawagan sa pamahalaan na gumamit ng mas malinisat ligtas na pagkukunan ng kuryente at hindi kailanman nakasa sa kanilang rekomendasyon ang nuclear energy.