UMALIS si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III patungong Kuala Lumpur para sa paglulunsad ng ASEAN Community.
Sa kanyang pre-departure statement, sinabi niyang higit na magiging maigting ang pagtutulungan ng mga kasaping bansa sa pagsusulong ng ekonomiya, pagpapatibay ng seguridad at pangangalaga sa mga mamamayan.
Ilalatag din ang ASEAN Vision 2015 na nagmula sa mga pagbabalak at pagkilos ng pangmatagalan. Ito na rin ang kanyang huling pagkakataong makalahok sa pagtitipon sapagkat matatapos na ang kanyang termino sa Hunyo 2016.
Babalik din siya sa Maynila sa ika-23 ng Nobyembre.