Binuksan noong Sabado sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang Ika-18 ASEAN-China Summit.
Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng summit, binigyan ng mataas na pagtasa ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, ang pagkatig ng Tsina sa kooperasyong Sino-ASEAN, at ambag nito sa mga regional initiative. Ang mga ito aniya ay patunay ng pangako ng Tsina sa rehiyong ito.
Sinabi ni Razak na nitong ilang taong nakalipas, malaking ambag ang ibinibigay ng Tsina sa Master Plan on ASEAN Connectivity at Initiative for ASEAN Integration. Ito aniya ay nakakatulong sa ibayo pang integrasyon ng ASEAN, at pagpapaliit ng agwat ng mga bansang ASEAN sa pag-unlad.
Pinasalamatan din ni Razak ang Tsina sa pagkatig nito sa namumunong posisyon at papel ng ASEAN sa mga balangkas ng ASEAN plus 3 at East Asia Summit.
Salin: Liu Kai