KUALA LUMPUR, Malaysia--Ipininid kahapon ang Ika-48 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sinabi ni Anifah Aman, Ministrong Panlabas ng Malaysia, kasalukuyang bansang tagapangulo ng ASEAN, na ang pagtatag ng ASEAN Community ang naging pangunahing paksa ng katatapos na pulong.
Kasabay nito, idinagdag niyang narating din ang komong palagay hinggil sa epektibo at ganap na pagpapatupad sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at pagpapabilis sa pagsasanggunian sa Code of Conduct (COC).
Salin: Jade