|
||||||||
|
||
MGA LUMIKAS SA GITNANG SILANGAN, WALA NG BABALIKAN. Ito ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antoniop G. Cardinal Tagle na dumalaw sa isang refugee camp sa Greece kamakailan. Nakalulungkot umanong isiping nawala na ang mga komunidad na pinagmulan ng mga refugee dahil sa kaguluhan. Si Cardinal Tagle ang kauna-unahang Asiano na nahalal na pinuno ng Caritas Internationalis. (Caritas Internationalis Photo)
KAKAIBA ang naging karanasan ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle, ang bagong talagang pinuno ng Caritas Intenationalis sa kanyang pagdalaw sa Greece kamakailan.
Sa kanyang pananalita sa isang hapunan hinggil sa magaganap na Internal Eucharistic Congress sa darating na Enero, sinabi ni Cardinal Tagle na malubha ang kalagayan ng mga umaalis sa Gitnang Silangan at naglalakad kungdima'y naglalayag patungo sa Europa.
Ani Cardinal Tagle, nakadalaw siya sa isang refugee camp sa Gresya at nakadaupang palad ang mga lumikas mula sa Gitnang Silangan. Kakaiba ang kanilang kalagayan dagdag pa ng Arsobispo ng Maynila.
Malaki ang pagkakaiba sa pagtulong sa mga nasalanta ni "Yolanda" sapagkat matapos ang ilang panahon ay makababalik na ang mga lumikas sa kani-kanilang mga tahanan at makapagsisimulang-muli.
Sa kalagayan ng mga refugee, kailangan na lamang nilang maghanap ng ibang pook na matitirhan upang makaiwas sa panganib sa kanilang pinagmulan. Wala na silang tahanang uuwian sapagkat halos wala na silang bansa at lahi sa kaguluhang naganap sa paglipas ng panahon.
Ipinaliwanag pa ni Cardinal Tagle na lahat halos ng bansa ay mayroong mga tanggapan ng Caritas na dadalo sa mga pangangailangan ng mga mamamayan. Nakatakda rin sana siyang dumalaw sa Lebanon subalit ipinagpaliban na muna niya dahilan sa maraming mga programang nakatakdang gawin.
Magkakaroon din ng tatlo-kataong delegasyon mula sa Caritas Internationalis sa pandaigdigang pagpupulong sa climate change, dagdag pa ni Cardinal Tagle.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |