Nag-usap sa telepono ngayong araw sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Barack Obama ng Amerika.
Sinariwa ng dalawang pangulo ang kanilang ginawang pag-uusap kamakailan sa Paris. Anila, dapat palakasin ng Tsina at Amerika, kasama ng mga iba pang panig, ang koordinasyon, at magkakasamang gawin ang pagsisikap, para marating sa Paris Climate Change Conference ang isang kasunduang magdudulot ng benepisyo sa komunidad ng daigdig.
Ipinahayag din ng dalawang pangulo ang kahandaang kontrulin ang mga pagkakaiba at sensitibong isyu sa pagitan ng dalawang bansa, at panatilihin ang koordinasyon sa mga mahalagang isyung panrehiyon at pandaigdig, para pasulungin ang relasyong Sino-Amerikano.
Salin: Liu Kai