Ipinahayag noong Linggo, Disyembre 27, 2015, ni Gao Hucheng, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa kasalukuyang taon, tinatayang aabot sa 30 trilyong Yuan, RMB ang kabuuang halaga ng retail ng social consumer goods ng Tsina. Ito ay nasa ika-2 puwesto sa buong daigdig.
Sa isang pambansang pulong na komersyal na ginanap nang araw ring iyon, sinabi ni Gao na ang konsumo ay nagsisilbing pangunahing puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayan. Aniya, noong panahon ng Ika-12 Panlimahang-Taong Plano (2011 - 2015), lumampas sa 35% ang paglaki ng bolyum ng kalakalan ng elektronikong komersyo. Ayon sa pagtaya, aabot sa 20.8 trilyong Yuan ang naturang bolyum sa taong 2015.
Salin: Li Feng