Sinabi kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa susunod na buwan, idaraos sa Sanya ng Lalawigang Hainan ang unang Summit ng Kooperasyon sa Lancang River at Mekong River.
Ang naturang summit ay lalahukan ng Tsina at limang bansang ASEAN sa paligid ng Mekong River na gaya ng Cambodia, Thailand, Laos, Myanmar at Vietnam.
Sinabi ni Hong na ang naturang kooperasyon ay makakabuti sa mga kooperasyon ng Tsina at ASEAN, konstruksyon ng ASEAN Community at proseso ng integrasyon ng rehiyong ito.