Ayon sa Xinhua News Agency, ipinahayag kahapon, Pebrero 24, 2016, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na walang anumang duda, na ang Xisha Islands ay teritoryo ng Tsina. Aniya, ang pagsasagawa ng panig Tsino ng konstruksyon at pagde-deploy sa sariling teritoryo ay nasa loob ng sariling soberanya, at makatwiran ito.
Idinagdag pa ni Hua na habang binibigyang-pansin kung media ano ang idineploy ng Tsina, dapat ding bigyang-pansin ang pagde-deploy ng ilang bansa ng maraming radar at iba't-ibang uri ng instalasyong militar sa mga islang Tsino na ilegal nilang sinakop nitong ilampung taong nakalipas.
Salin: Li Feng